Prinsipe ng Pagkakataon

Prinsipe.
Siya’y nagsilbing prinsipe ng pagkakataon
Pagkakataong hindi ko pwedeng makalimutan
Pagkakataong dala-dala ko magpakailanman
Tindig at tikas, sa kanya’y lumalabas
Mga mata niya’y singkit,
na para bang may mga bituing nakaukit
Mala-rosas na labi, punung-puno ng ngiti
Ngiting kay tamis na nagbibigay epekto kung bakit pagtibok ng puso ko’y bumibilis
Boses niya’y parang musika, bawat nota’y dahan dahang sumisiksik sa entrada ng aking tenga
Napakagandang musika na dumadaloy,
Nagbibigay ng ginhawa sa mga oras ng panaghoy,
Sa panahong malamig,
Yakap niya’y nagbigay init,
Sa panahon ng sakit,
Aruga at alaga sakin ay hindi niya ipinagkait,
Landas nami’y pinagkalapit,
Koneksyon ay pinag-higpit,
Pero kahit kelan puso niya’y di ko makakamit
Kamay niya’y bumitaw na sa pagkapit,
Mga mata ko’y ayaw nang pumikit,
Tulala sa kanyang pagkawala,
Di alam kung magkikita pa,
Mukha niya’y gustong masilayan pa,
Presensya niya’y gustong maramdaman pa,
Pero aking prinsipe’y naglalakbay na,
Naglalakbay patungo sa kastilyo ng kanyang tunay na prinsesa.

It’s You And Always You

Months withered like leaves
And your presence is still in me.
Memories began to crop up.
Crazy stuff and stupid matter that we have shared
Are still wandering inside my dome.
I may not remember the precise date our pathways clashed,
But being with you with almost a year is the best moment I’ve ever had
And I found one thing that’s really got me crazy,
And that is you.
I’ve been missing you.
Re-reading our conversations over and over
Where you said you loved me
Til’ I had to entreat you to stop would make me hurt less.
Tears have made my eyesight foggy
And I’ve been holding my breath for so long
As my dome keeps on purling
And keep on telling myself to move on.
I just want to feel what’s like not to be preyed upon by you
To get over you,
To forget you,
But I can’t…
I can’t stop thinking about you.
I miss you so much.
I miss you.
It’s you and always you.

Hanggang Sa Muli

Mahal, tanda ko pa
Nung una tayong nagkakilala
Sa ilalim ng buwan
Tayo’y naging magkatipan
Sa isang simpleng salita
Diwa nati’y pinagsama
Sa loob ng ilang buwan
Puso ko sayo’y nakaramdam
Bawat pintig nito’y
Ikaw ang inaasam
Ngunit tadhana’y sadyang mapaglinlang
Puso mo’y iba ang laman
At hindi pwedeng magkapiling kailanman
Ngayo’y, ika’y lumisan
Batid ko lagi ang iyong kasiyahan
Luha man ang kapalit
Kaligayahan mo’y di ko ipagkakait
Mahal kita,
Ito nalang ang aking masasambit
Sapagkat di ko na kaya pang umimik sa sobrang sakit
Mahal, mag-iingat ka lagi
Hangad ko lagi ang ngiti sa’yong mga labi
Mahal, mahal na mahal kita
At ako’y magpapaalam na.

Ako Nga Ba Si Paraluman?

Naglalakbay ang aking diwa,

Sa daang di ko mawari kung saan papunta,

Tangay ng hangin,

Napapaligiran ng magandang hardin,

Nagsisi-awitang mga ibon,

Nagsisi-indakang mga dahon,

Na tila ba katawan ko’y iwinawagayway

At dahan-dahang inaakay

Bakas ng aking mga yapak,

Nanatili sa daanang warat,

Habang ang aking sapantaha

Ay unti-unting nawawala

Balintataw ko’y tulala

Bibig ko’y nakasara

Patuloy sa pag-usad

Hanggang sa isang edipisyo, ako ay napadpad

Entrada’y bumukas

Ako’y patuloy pa rin sa pagkaripas

Sa durungawan liwanag saki’y dumungaw

Isang tinig ang umalingawngaw,

Ako’y napatigil Bumungad sakin presensya ng isang guwardya sibil

Ulirat ko’y bumalik

At bigla akong napahagikgik

Ngitngit ang sinukli

Ng tauhang nasa loob ng bakal na yupi-yupi

Kamay ng isang misteryosong lalaki Sa kamay ko’y dumampi

Ako’y kanyang hinila

Habang ang kawal sa ami’y sumama,

Isang harang na punung-puno ng wakwak

Sa harapan nami’y lumagapak

Boses na nag-abot ng yamba

Pangamba sa amin ang dala

Nagsimulang kumilos ang dalawa kong kasama

Para utasin ang di maipaliwanag na mahika

Pilit kaming umaalpas

Pero di kami makatakas

Hawak pa rin ako ng lalaki

Na para bang isa akong mamahaling rubi

Bibig niya’y bumuka

At nagpakawala ng salita

Nahirapan akong ulinigin

Ang mga katagang pinaparating niya sa akin

Isang palaso ang pumukaw sa aming koneksyon

Galing sa di malamang direksyon

Bigla niya akong niyapos

Kasabay ng pulang katas sa katawan niya’y umaagos

Pagbagsak ng luha’y di napigilan,

Sa huling orbita ng orasan,

Tinawag niya akong paraluman,

Ito’y nagsilbing kanyang pahimakas

Tuluyan na rin akong nakaalpas

Mga mata ko’y aking iminulat

At napagtanto kong panaginip pala ang lahat.