Walang titulo parang tayo

Mahal,

naalala mo pa ba yung panahon na ibinahagi mo ang pagkatao mo sa akin?

Na kung saan naging saksi ang haring buwan at nagkikislapang mga bituin,

Sa usapan natin na nagsimula lahat sa pagtipa mo ng dalawang letra.

Dalawang letra na nagbigay koneksyon sa buhay nating dalawa.

Malamang di mo na yun naaalala

Dahil katulad ng mga dahon sa panahon ng taglagas,

Ala-ala nati’y unti-unti nang nalalanta’t kumakalas

Pero mahal,

Labis ang aking saya,

Sa pagkakataong binigay sakin ng tadhana na makilala ka,

Makilala ang isang simpleng lalaki,

Simpleng lalaki na,

Nagpaniwala sa’kin na hindi kathang-isip ang salitang pag-ibig

At sa paglipas ng panahon na tayo’y magkasama,

Di ko alam, ako pala’y umiibig na.

Mahal,

Naalala mo pa ba?

Naalala mo pa ba yung pangako natin sa isa’t isa?

Na balang araw,

Tayo’y magkakasama.

Na kung saan

Kakain tayo,

Magtatawanan tayo,

Yung tayo lang

Tayo lang.

Pero mahal alam ko,

Na may mga bagay na nagbabago

Mga bagay na hindi na pwede,

Mga bagay na magiging ala-ala nalang

Mga bagay na nagkaroon na ng hangganan.

Kaya mahal nandito ako para humingi ng tawad

Patawad,

Patawad dahil pilit ko pa ring hinahabol ang atensyon mo,

Atensyon na hindi na magiging akin

Dahil sa iba ka na nakatingin

Patawad,

Patawad dahil iniisip ko pa rin yung mga ala-alang pinagsaluhan natin

Ala-alang nagbigay saya at pag-asa sa akin

Patawad,

Patawad dahil hinahangad ko pa rin ang pagdampi ng palad mo sa palad ko

Inaantay ang pagdaloy ng kuryente habang magkahawak kamay tayo

Patawad,

Patawad dahil hinihintay ko pa rin yung araw na masilayan ang mukha mo,

Yung mukha mong nakangiti,

Habang pinipisil ang aking pisngi

Patawad,

Patawad dahil inaasam ko pa rin yung yakap mo

Yung yakap na magbibigay sa akin ng konsuwelo

At magbibigay limot sa mga problema ko

Patawad,

Patawad dahil pilit pa rin kitang ginugulo,

Kahit alam kong pagod ka na at nasa estado na ng pagsuko

Patawad,

Patawad dahil hindi ko magawang tulungan ang sarili ko

Ng wala ang tulong mo

Suporta galing sayo

Na nagpapalakas ng loob ko

Patawad,

Patawad dahil hindi ko napansin,

Na sa bawat oras nang pagsagip mo sa akin

Ika’y nalulunod rin

Patawad,

Patawad sa pagsabi na ayos lang ako

Kahit sa loob ko, durog na durog ako

Dahil ayokong isipin mo na mahina ako,

Dahil gusto kong ipakita na kaya ko,

Kasi nga sabi mo na kaya ko

At naniniwala akong kaya ko

Patawad,

Patawad dahil nag-aalala pa rin ako sa’yo,

Isa sa mga bagay na nakasanayan ko at pagpaparamdam ko ng kahalagahan mo

Patawad,

Patawad dahil patuloy pa rin ang pagtibok ng puso ko,

Na kung saan pangalan mo ang bulong nito

Oo bulong,

Bulong nalang ang kaya niyang gawin

Matapos ang araw-araw na pagsigaw nito

Pagsigaw nang paulit-ulit sa pangalan mo

Patawad,

Patawad dahil patuloy pa rin akong umaasa na ako at ikaw ang bubuo sa salitang “tayo”

Pero ang salitang tayo

Ay hindi na magkakatotoo

Dahil sa simula palang,

Alam kong,

Isa lamang ito sa mga ilusyon ko.

At patawad,

Patawad,

Patawad dahil patuloy pa rin kitang minamahal,

Mahal, mahal na mahal kita,

Mahal na mahal na mahal kita,

Mahal patawad,

Patawarin mo ako kung mahal pa rin kita

Ay patawad kung ikaw pa rin, kasi ikaw lang talaga.

Wag nang umimik

Tumigil akong magsalita,

Kasi ayaw kong mapuna,

Kaunting buga ng salita,

Bubungad ang kanilang presensya,

Kasabay nang pagbitaw ng mga salitang hindi kaaya-aya

Mga salitang nakakasawa

Nakakasawang pakinggan

Kung saan mapapatanong ka nalang,

“Ba’t di nila ako maintindihan?”

Napakasakit na katotohanan,

Yung pakiramdam na wala kang matakbuhan,

Kasi kapag iyong sinubukan,

Ika’y kanilang didiktahan

Masakit pakinggan

Na wala man lang akong matakbuhan

Kasi di nila ako maintindihan

Sa mga panahon na kailangan ko ng kausap,

Wala akong mahanap

Paawa, madrama

Mga katagang ibibigay nila

Kaya mas pinili ko nalang tumahimik

At itinigil ko nang isiksik

Isiksik pa ang sarili ko

Sa mga taong di ako gusto

Sa mga taong di man lang nag-atubiling pakinggan ako,

Sa mga taong ipinaramdam sa akin na sagabal lang ako

At sa mga taong huhusgahan lamang pala ako.

Letter to Agony

af9b7737399209.573ecf2530bdf.jpg

Why do I live in a world filled with pain?

I asked to nothingness

Is it the only thing to gain?

Another question containing distress

Shattered into a thousand pieces on the pavement

Living with the undertone of throes,

Withstanding against torment,

Escaping from endless woes

Dear agony, please let go of me

The poison of pain makes me insane,

No aches, no tears, just set me free

Let myself be disconnected to bane

Let me drown into happiness

And let me continue to exist.

Artwork by QM

Treewoman

7bf4ac37400511.573ed51528e51

A lost soul in a tree
A queer woman full of daze
A concealed agony that wanted to take a flee
Yet, the woman be at the helm of grace
Her veins did a beautiful pirouette
To let herself be free
As it shows her atypical silhouette
And made a paroxysm of glee
Being one day at her own solitude
The affliction will descend into a triumphant prowess
That moment to impart the essence of gratitude
As an equivalent to her progress
And the unforeseen evolution of torment,
Will become her greatest fulfillment.

 

Artwork by QM